Hindi pinalagpas ng aktor at “Katips” star na si Jerome Ponce ang rektang komento ng isang netizen ukol sa kaniya umanong pagkapit sa kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap sa pelikulang “Martyr or Murderer.”

Kasunod ng anunsyo ng kontrobersyal na si Darryl sa susunod na materyal kamakailan, isa sa mga umani ng samu’t saring reaksyon ang pagpili kay Jerome bilang dating senador Ninoy Aquino Jr.

Kilala kasing isa sa mga gumanap ang 27-anyos na aktor sa katunggali ng “Maid In Malacañang” ni Darryl na “Katips” ni Vince Tañada, isang kilalang kritiko naman ng mga Marcos.

Isa sa mga hindi pinalagpas ni Jerome ang walang pagpigil na komento ng isang netizen online kamakailan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: Isko, balik-showbiz; gaganap na Ninoy Aquino sa MoM – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ikaw ba ung batang Ninoy? ang laki cguro ng bigay sa talent fee mo HAHA walang wala naba kaya kapit na ky acclang Darryl,” anang netizen na halatang dismayado sa aktor.

Banat na pagpalag ng aktor sa naturang komento: “hanap ka trabaho.. sayang buhay.. baka may family kang binubuhay or what..”

Basahin: ‘Batang Macoy! Marco Gumabao, young Ferdinand Marcos Sr. sa pelikulang ‘Martyr or Murderer’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman kontrobersyal para sa ilan, hindi naman kataka-taka sa iba ang pagsama ngayon ng aktor sa pinakabagong proyekto ni Darryl kasunod ng kaniya ring pagpirma bilang Viva artist.

Noong Agosto rin, matatandaang naispatang isa sa mga nanuod ng “Maid In Malacañang” si Jerome sa kabila ng malinaw na tunggalian nito sa “Katips.”

Basahin: Jerome Ponce, nanood ng Maid in Malacañang? Netizens, pumalag! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid