Patay ang isang Koreano matapos pagbabarilin ng isang umano'y ex-convict sa Pasay City nitong Biyernes ng madaling araw.
Dead on arrival sa ospital ang biktimang hindi pa isinasapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan.
Kaagad namang tumakas ang suspek na sakay ng isang tricycle dala ang ginamit na baril.
Sa paunang report ng Pasay City Police Station, ang insidente ay naganap sa Service Road ng Roxas Blvd., dalong 4:00 ng madaling araw.
Naglalakad umano suspek sa lugar nang biglang pagbabarilin ng isang lalaki nakasakay sa tricycle.
Naiwan sa pinangyarihan ng krimen ang bag ng suspek na may bahid ng dugo, isang cellular phone at rubber shoes nito.
May teorya ang mga pulis na kalalaya lang sa kulungan ng suspek matapos balaan umano ng kanyang pamilya na huwag nang bumalik sa dating trabaho nito, ayon na rin text messages sa cellular phone nito.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa ikatutukoy ng suspek at motibo nito.