Pinag-aaralan na ng mga abogado ng dating senador na si Leila de Lima ang pagsasampa ng petition for bail kaugnay ng kinakaharap na kasong may kinalaman sa umano'y paglaganap ng illegal drugs sa National Bilibid Prison (NBP).
“‘Yang petition for bail na ‘yan ay magiging hakbang namin kung saka-sakaling matapos na talaga ang testimonya ni deputy director Ragos,” pagdidiin ni Atty. Boni Tacardon sa isang television interview nitong Biyernes.
Tinatapos na lamang ni datingBureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos ang kanyang pagtestigo sa hukuman.
Aniya, ipagpapatuloy pa ng korte ang pagdinig sa kaso ni De Lima nitong Biyernes kung saan dumalo si Ragos.
Hinihiling na rin aniya ng prosekusyon na ilabas ang video ni Ragos kung saan pinilit umano ito upang magbigay ng testimonya laban kay De Lima.
Matatandaang sinabi ni datingJustice Secretary Vitaliano Aguirre nitong Nobyembre na mayroon siyang video na hindi pinilit si Ragos upang tumestigo laban sa dating senador.
Matatandaang ikinulong si De Lima sa Camp Crame matapos maaresto noong Pebrero 2017 kasunod ng isinampang patung-patong na kaso nito na may kaugnayan sa paglaganap umano ng iligal na droga sa Bilibid noong kalihim pa ito ng Department of Justice (DOJ).