Hindi na muna kukumpiskahin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga imported na isda katulad ng pink salmon at pompano na ibinebenta sa mga palengke kasunod na rin ng pagkuwestiyon ng mga kongresista sa hakbang ng ahensya.

Ito nang magdeklara ng moratorium ang BFAR sa nakatakda sana nilang operasyon laban sa illegal na pagtitinda ng mga nasabing isda sa merkado sa Disyembre 4.

Sinabi ni BFAR officer in charge Demosthenes Escoto, hihimayinmuli nila ang polisiya sa pag-aangkat ng isda, lalo na ang kontrobersyal naFisheries Administrative Order (FAO) No. 159 na nagpapahintulot sa pag-angkat ng produktong para lang sa mga canning company at institutional buyer.

Pagbibigay-diin ng BFAR, mananatili ang moratorium hangga't wala pang inilalabas na bagong regulasyon.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

"In the interest of the Filipino consumers and fisheries stakeholders, the Bureau remains committed in carrying out its mandate to ensure food security and food sufficiency, especially that the Christmas season is fast approaching while strengthening the implementation of fishery laws and other necessary regulations," ayon sa pahayag ng BFAR.

Matatandaang binalaan ng ahensya ang mga palengke sa Metro Manila na sasamsamin na nila ang mga imported na isda sa mga grocery at palengke simula Disyembre 4.

Layunin umano ng ahensya na mabigyan ng pagkakataong kumita ang mga mangingisda na naapektuhan ng pagdagsa ng mga imported na isda sa bansa.