Sapat pa ang suplay ng Noche Buena items ngayong Kapaskuhan, ayon sa pahayag ng Department of trade and Industry (DTI) nitong Huwebes.

Binanggit ni DTI Secretary Alfredo Pascual sa isang television interview na tiniyak umano sa kanya ng mga stakeholder na dumalo sa pagpupulong ng National Price Coordinating Council kamakailan na walang magiging problema sa suplay ng produkto.

Tinalakay din aniya ang magiging presyuhan ng produkto dahil na rin sa inaasahang pagtaas ng demand ngayong Christmas season.

Pagbibigay-diin ni Pascual, hindi kasama sa basic necessities at prime commodities ang mga ito kaya price guide lang din ang inilabas ng kagawaran.

National

Cynthia Villar, nasaksihan bilang ina pagsisilbi ni Camille Villar sa bayan

"'Yung noche buena products, hindi part nung 20 basic necessities and prime commodities so hindi sila covered nung suggested retail price. So ang ginagawa natin sa noche buena products eh mino-monitor natin 'yan at ini-inform 'yung public kung ano 'yung prices na puwede nilang makuha sa certain product," sabi ni Pascual.