Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko laban sa mga scammer na nagpapanggap na tauhan ng ahensya upangmakapangotongsa mga dayuhangnasa bansa.

Sa pahayag ni BI Spokesperson Dana Sandoval, ilang foreign national ang nakatanggap ng pekeng mission order na nag-oobliga sa mga tauhan ng ahensya na mag-house-to-house at mag-inspect sa mga entertainment establishment upang damputin ang mga ito.

“Hindi po 'to totoo dahil ang mga immigration personnel po ay maaari lamang manghuli ng isang foreign national kung merong mission order na issued ang ating Commissioner,” banggit ni Sandoval sa isang public briefing.

“At ini-issue lamang po ito kung merong thorough investigation and confirmed na may illegal alien, foreign national doon na may violation ng immigration laws,” anang opisyal.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Sinabi ni Sandoval, dapat mag-doble-ingat ang publiko dahil lumalabas ang mga scammer tuwing Kapaskuhan.

Nanawagan din ito sa mga biktima na magsumbong kaagad sa pulisya upang madakip ang mga ito.