Nagpatupad na ng taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis nitong Huwebes, Disyembre 1.
Nasa ₱2.25 ang idinagdag sa presyo ng kada kilo ng LPG ng Petron na katumbas ng ₱24.75 na taas presyo sa kada 11 kilograms ng tangke nito.
Nagpatupad din ang Petron ng ₱1.26 dagdag na presyo sa kada litro ng kanilang auto LPG.
Nasa ₱2.27 naman ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng Solane na katumbas ng ₱24.97 na taas presyo sa kada 11 kilograms na tangke nito.
Ang price adjustment ay ibinatay ng kumpanya sa international contract price para sa buwan ng Disyembre.