Nakikiisa ang Pilipinas sa paggunita ng World AIDS Day ngayong araw, Disyembre 1, bilang bahagi ng pagpupursigi ng gobyerno na ipalaganap ang kaalaman tungkol sa AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) at para wakasan ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) epidemic.

Sa pahayag ng Office of the Press Secretary (OPS), nagsusumikap din ang pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Health, sa pamamagitan ng mga programang may layuning mabawasan ang mga kaso ng impeksyon taun-taon, katulad ng National HIV, AIDS and STI (Sexually Transmitted Infections) Prevention and Control Program (NASPCP).

Sa datos ng World Health Organization (WHO), umabot na sa 84.2 milyon na ang nahawaan, kabilang na ang 40.1 milyong namatay sa sakit.

Naitala rin na 0.7 porsyento ng kabuuang kaso ng sakit ay nasa 15 hanggang 49 taong gulang.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Nasa 38.4 milyon naman ang patuloy pa ring nakikipaglaban sa sakit.