Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyonng tinaguriang 'pork barrel queen' na si Janet Lim-Napoles at ni dating Masbate 3rd District Rep. Rizalina Seachon-Lanete para sana sa tuluyangpagbasurasa kasong plunder at graft kaugnay sa umano'y pagkakasangkot ng mga ito sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam ilang taon na ang nakararaan.
Sa magkahiwalay na ruling ng 4th Division ng anti-graft court na may petsang Nobyembre 25 at Nobyembre 21, 2022, ibinasura nito ang motion for leave to file demurrer to evidence na isinampa ni Napoles at Seachon-Lanete at sinabing mas makabubuti kungireresolba na lamang ang usapin sa isasagawang full-blown trial ng kaso.
Paunang hakbang na sana ang naturang mosyon bago ang paghahain ng demurrer to evidence na humihiling na ibasura ang kaso batay na rin sa pagkabigo umano ng prosekusyon na magharap ng matibay na ebidensya.
"The testimonial and documentary evidence presented by the prosecution, unless successfully rebutted by the accused, are sufficient to support a verdict of guilt against accused Napoles," ayon sa resolusyon ng hukuman na inilabas nitong Nobyembre 25.
Kabilang sa mga usapin na ipinunto ni Napoles sa kanyang mosyon ang kakulangan ng probative value ng mga ebidensya ng prosekusyon, katulad ng photocopy ng public documents.
Nitong Nobyembre 21 ay naglabas din ng resolusyon ang korte kung saan binanggit na malakas ang ebidensya laban kay Seachon.
Ibinasura rin ng hukuman ang kahalintulad na mosyon ng dalawa pang akusado na sina Maria Rosalinda Lacsamana at Dennis Cunanan.
Nahaharap sa kasong plunder (Republic Act 7080) at graft (Republic Act 3019) sina Napoles at Seachon noong 2015 dahil umano sa pagbulsa ng aabot sa P108 milyong kickback mula 2007 hanggang2010.
Matatandang idineklara ng Korte Suprema noong 2013 na labag sa Konstitusyon ang PDAF.