Walong probinsya sa Luzon ang inaasahang maapektuhan ng planong pag-angkat ng sibuyas ng gobyerno ngayong Disyembre.
Ito ang reaksyon ni Senator Imee Marcos nitong Huwebes at sinabing kabilang sa walong lugar angIlocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Tarlac.
“More than 43 percent of red onion harvests in the next three months will take place in December, with Mindoro’s harvests to follow in January,” sabi ng senador matapos pagbatayan ang monitoring report ng Bureau of Plant and Industry (BPI) ng Department of Agriculture (DA), na nagsasabing 5,537.3 metriko tonelada lang ang inaasahang maaaning pulang sibuyas ngayong buwan.
Malayo aniya ito sa inaasahang 12,837.9 metriko toneladang ani hanggang Pebrero sa susunod na taon.
Paliwanag ng BPI, kakapusin umanong suplay ng sibuyas ang bansa kaya inaasahan na ang pag-aangkat ng produkto.
Inaasahan din umanong bababa ang presyo ng sibuyas sa pagdagsa ng imported na produkto nito sa bansa.
Philippine News Agency