Nasa 700 preso ang nakatakdang palayain bago matapos ang 2022, ayon sa pahayag ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Pio Catapang nitong Huwebes.
“Estimate po namin ay 300 to 500; ano po iyon, medyo parang lower end na estimate. Pero as much as hanggang 500 to 700 ang gusto naming mapalaya this end of the year, bago ang Pasko o bago ang New Year po,” paliwanag ni Catapang.
Nilinaw ni Catapang, inuuna nila ngayon ang matatandang preso na mabigyan ng parole o executive clemency batay na rin sa direktiba ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.
"Iyong mga panuntunan po kasi, unang-una, may batas naman po na kapag 70 years old up ka, puwede kang mag-apply for parole or clemency. So, sa dami po ng mga PDLs natin na 70 years old – above po sila, balak po namin nai-apply po sila kasi iyon po ang utos ni Secretary Remulla sa akin na kung puwede ay palayain na po iyong mga matatanda," aniya.
Aniya, hindi bagay ang matatanda sa isang kulungang overpopulated na katulad ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.
"Kasi nga kapag binisita mo sila saprison cell, andmaawa po kayo sa katayuan nila," sabi ng opisyal.
Si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. aniya ang mismong nag-utos na maglabas ng polisiya na magkaroon ng compassionate justice.
"Angguidancepo naman ng ating mahal na Pangulo aycompassionate justice. So based on those guidelinesodirectiveay gagawin po namin iyong gusto ng ating nakakataas," dagdag pa ni Catapang.
Philippine News Agency