Nagsimula na ang Libreng Sakay sa EDSA bus carousel nitong Huwebes ng madaling araw, ayon sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ng DOTr, ang magdamag na libreng sakay ay simula 4:00 ng madaling araw hanggang 11:00 ng gabi.

Ipinatutupad ang libreng sakay alinsunod na rin sa Service Contracting Program ng DOTr at Land Transportation Office (LTO).

Binanggit ng DOTr, bahagi lang ito ng kanilang hakbang dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong nagtutungo sa mga shopping mall at pasyalan sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Tatagal ang programa hanggang Disyembre 31, ayon pa sa ahensya.