Sa kauna-unahang pagkakataon daw, naka-engkuwentro ang mga staff ng isang samgyupsalan ng customers na kusang nagligpit at nag-imis ng kanilang mga pinagkainan, ayon sa kanilang post sa Facebook page noong Nobyembre 23.

Ayon sa "Tondoueño UNLI SamgyupWings 199," nabigla sila nang makitang malinis at maayos na ang mesa ng grupo ng customers, na hindi naman natukoy kung pamilya ba o magbabarkada.

"Shout out po sa grupong ito. Salamat po sa pag iwan ng malinis at maayos na lamesa."

"Malaking tulong po ito sa ating mga crew… God bless po…" anila.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"A simple act of kindness will make someone's day. Be kind always."

"For sure one of them works at the kitchen… Or one of his/her friends… kaya alam nila hirap ng mga service crew… big clap! Sana lahat maging kagaya nila."

"Hindi naman yan required pero its a way of being responsible. Kahit pa sinabi mong nagbayad ka, ipakita mo rin kung paano ka magpasalamat at mag-ayos nang kinainan mo. Namana kasi natin ang ugali nating mataas sa mga Kastila kaya yung iba sa atin kung sino umasta."

Sey pa ng ibang netizen, sana raw ay pamarisan sila ng iba.