Nakatanggap ng mataas na trust at approval rating sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa pinakahuling survey ng OCTA research na inilabas nitong Miyerkules, Nobyembre 30.

OCTA RESEARCH

Ipinakita sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA, nakakuha si Marcos ng 86 na porsiyentong trust rating at 78 porsiyento naman sa performance rating.

Tawi-Tawi, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Nasa apat ng porsiyentolamang ang distrust rating habang limang porsiyento naman ang dissatisfied sa kaniyang performance.

Samantala, nakakuha rin si Duterte ng mataas na trust at approval rating na nasa 86 na porsiyento at 80 porsiyento, ayon sa pagkasunod-sunod.

Mababa naman ang nakuha niyang distrust at dissatisfaction ratings na pawang nasa apat ng porsiyento.

Isinagawa ang survey mula noong Oktubre 23 hanggang 27 na may 1,200 adult respondents sa buong bansa.

Sa naturang survey, nagtanong ang OCTA sa mga respondents tungkol sa kanilang tiwala sa mga top officials ng gobyerno sa loob ng tatlong buwan.

Ang Tugon ng Masa national survey ay isang independent at non-commissioned poll na isinasagawa ng OCTA Research.

Ellalyn De Vera-Ruiz