Tila pinagsabihan ni Manay Lolit Solis ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado dahil sa pagpopost nito sa social media hinggil sa hindi magandang hitsura ng nabili nitong karne sa isang supermarket. 

Batay sa litratong ibinahagi ni Jen sa kaniyang IG story, mukhang hindi na maganda ang kulay at histura ng karne.

“Hello @snr_official, quick question lang bago namin lutuin, safe pa rin ba kahit ganito itsura ng meat n’yo?” text caption ni Jen.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/29/jennylyn-mercado-tila-walang-tiwalang-lutuin-karneng-nabili-sa-isang-supermarket-safe-pa-rin-ba/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/29/jennylyn-mercado-tila-walang-tiwalang-lutuin-karneng-nabili-sa-isang-supermarket-safe-pa-rin-ba/

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, nagpost si Manay sa kaniyang Instagram nitong Miyerkules, Nobyembre 30.

Sey ni Lolit, parang hindi raw totoo ang sinasabi ni Jennylyn dahil kapag bumibili raw sa supermarket ay tinitingnan muna ito bago ilagay sa cart. Impossible raw na doon pa lamang sa supermarket ay hindi ito napansin ng aktres.

"Natatawa ako sa issue ni Jennylyn Mercado tungkol sa 'bad' meat na nabili daw niya sa SnR, Salve. Parang hindi tutoo dahil usually pag bumibili ka sa supermarket, tinitignan mo ang inilalagay mo sa cart. Imposible naman na duon pa lang sa supermarket hindi niya na check ang lagay ng karne na binili niya.

"Dapat duon pa lang kung may reklamo ka ginawa mo na agad di ba ? Bakit inuwi mo pa sa bahay saka ka nag reklamo. Ang hirap din kasi na nalalagay sa isang hindi magandang sitwasyon ang isang malaking supermarket na tulad ng SnR."

Tila kinuwestiyon pa ni Manay ang aktres, aniya, bakit raw kinuha pa 'yung karne at iniuwi pa sa bahay at tiyaka nagreklamo.

"Ang hirap din burahin kung ganyan nakalagay na agad sa social media ng hindi man lang nakukuha ang panig nila. Pero ang talagang questionable, how come na kung pangit na hitsura ng karne, kinuha at inuwi pa sa bahay saka nag reklamo. Unfair naman para sa SnR di ba ? Pag bumibili sa supermarket, check muna bago ilagay sa cart at bayaran.

"Bakit hindi ito nagawa ni Jennylyn Mercado. Puwede pa siyang ireklamo ng SnR dahil dito."

Pangaral naman ni Lolit sa aktres, "Kaya sana, huwag basta nagri reklamo sa social media account mo, tiyakin muna na tama ang ginagawa mo."

"Basta ako, may tiwala parin ako na maayos ang mga paninda sa SnR, hindi nila papayagan masira sila sa isang kilo ng karne lang. Ngayon pa na panahon ng bilihan dahil December. Mas lalo silang maingat sa paninda nila, I am sure. Kaya Gorgy at Salve, buy na tayo , halika na"

Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa nag-update ang Kapuso star kung tumugon o kung ano ang aksiyon ng pamunuan ng supermarket tungkol dito. Hindi rin siya nag-update kung itinuloy pa ba nilang lutuin ang naturang karne.