Tila may pinariringgan ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga umano'y nagbabago ng kuwento tungkol sa kaniyang pamilya.

Isang mensahe ang iniwan ni Kris para sana sa ika-90 na kaarawan ng yumao nitong ama na si Benigno Jr. o “Ninoy.” Ikinuwento ng aktres ang mga naging karanasan niya nang makulong ang ama at maging ang mga natutunan niya mula rito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/29/kris-may-natutunan-sa-kanyang-ama-never-show-anger-never-reveal-your-weakness/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/29/kris-may-natutunan-sa-kanyang-ama-never-show-anger-never-reveal-your-weakness/

Gayunman, sa dulong bahagi ng kaniyang post, tila may pinariringgan ang aktres sa mga umano'y nagbabago ng nakaraan ng kanilang pamilya. 

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Subukan mang baguhin ang kwento ng kahapon, it’s from you i learned to NEVER show anger, NEVER reveal your weakness," aniya.

“The child of Ninoy & Cory, the last still carrying their last names, learned from both: Faith in God, Patience, protecting your Integrity, standing firm w/ your words, Trustworthiness & caring for all Filipinos regardless of chosen “color”, and sharing w/ those in need- those are values i hold on to & do my best to instill in my sons. God sees all & that’s what matters. #hero."

Matatandaang magkakaroon ng isang bagong pelikula si Darryl Yap na "Martyr or Murderer" na kung saan ang mga pangunahing tauhan ay sina Cesar Montano na gaganap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at Isko Moreno na gaganap naman bilang si dating Senador Ninoy Aquino.

Nakatakdang ipalabas ang MoM sa susunod na taon, 2023.