Viral at kinagigiliwan ngayon sa social media ang tila request ng isang fan sa bandang 'Mayonnaise.'

Sa Facebook page ng Mayonnaise, nag-upload sila ng mga picture sa naging performance nila sa Robinsons Lipa para sa kanilang 20th Anniversary tour.

Pumukaw sa mata ng mga netizen ang picture ng isang fan na may nakasulat sa cellphone nito. Ayon sa nakasulat, "Jopay na po pleaseeeeee. Bawal po ako gabihin."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Jopay" ang isa sa mga sikat na kanta ng Mayonnaise ngayon. Madalas itong ginagamit ngayon sa video streaming app na TikTok.

Kaya naman samu't saring komento ang inilapag ng mga netizen. 

"'Wag ka nang mawalaaa 🎶 Mama mo: 'Wag ka nang umuwi."

"Huwag ka nang umuwi, huwag ka nang umuwi 🎶"

"bat nyo kase laging hinuhuli yan tuloy huling gala na rin HAHAHAHHHAHAHA"

"Ako pag pumunta ng concert HAHAHAHAHAHA"

"punta punta ka jan, may curfew pala parents mo 🤣"

"D na are malungkot kahit gabi na nakauwi AHAHAHHAHAHA"

Sa pag-uulat, umaabot na ngayon sa mahigit 95K reaction, 1.4k comments, at 13K shares ang naturang larawan.