Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng isang Dutch TikToker kung saan tila nadismaya siya sa kakulangan ng card payment option sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mababasa sa text caption ng kaniyang TikTok video ang tanong na "Is Manila Airport the worst airport to transfer?"

Ayon sa Dutch TikToker na si "Traveltomtom," nadismaya siya dahil kulang daw ang card payment option sa NAIA sa pagbili ng pagkain at iba pang items. Nagbigay pa siya ng babala sa iba pang turista tungkol dito.

“Let me show you how amazing it is to transfer in Manila international Airport Terminal 2,” aniya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Salaysay niya, pagkababa niya mula sa eroplano mula sa halos anim na oras na flight mula sa Papua New Guinea ay naghanap siya ng mapagkakainan.

Ngunit sa laking pagkadismaya niya, lahat aniya ng puntahan niyang food stalls at cafés ay hindi tumatanggap ng card payments kundi "cash only".

Mas lalong lumobo ang pagkadismaya niya nang tangkain niyang mag-withdraw sa ATM subalit ito ay "temporarily closed".

Nang makakita siya ng isang shop na tumatanggap ng card, ito raw ay isang "liquor shop".

"How ironic! The only place you can actually play by card is here… and this is a liquor shop,” sadd ng dayuhang turista.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo na sa mga Pilipino.

"Always keep in mind when travelling to always have some cash on your pocket cuz system might get down and not smooth all the time.. just sayin bruh."

"I’d feel sorry if he tried looking for an ATM instead of happily looking for the cash only sign. Better luck next time."

"He has a point, but people don't really appreciate too much sarcasm."

"If you're a frequent traveler you should have brought cash with you.. make sense?"

"Philippines airport should do something about this. Hayy."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng NAIA tungkol dito. Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 1.4M views ang naturang TikTok video.