Muling magbubukas ang voter registration sa darating na Dis. 12, pagpapaalala ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.

Labintatlong araw bago ang muling pag-arangkada ng registration, maaga nang hinikayat ng ahensya na sumadya sa pinakamalapit nilang tanggapan.

Bukas ito mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays.

Pinaalalahanan din ng Comelec ang mga magtutungo sa kanilang tanggapan na magdala ng birth certificate o anumang valid ID para sa beripikasyon ng kanilang pagkakakilanlan.

Ang voter’s registration ay bukas para sa edad 15-anyos pataas, mula Dis. 12 hanggang Enero 31, 2023.

Samantala, inanunsyo naman ng Office for Overseas Voting nitong Martes din ang pagbubukas muli ng overseas voter registration mula Dis. 9 hanggang Setyembre 30, 2024.

Narito ang ilang paalala ng ahensya sa proseso ng pagpaparehistro:

Samantala, nakatakda ring makipag-ugnayan ang Comelec sa mga piling mall para sa mas pinalawak na oportunidad ng pagpaparehistro.

Mangyaring abangan ang mga naturang anunsyo sa online page ng pinakamalapit na tanggapan ng ahensya.