Mukhang muling "magsasabong sa takilya" ang mga gagawing pelikula nina Direk Darryl Yap at Atty. Vince Tañada sa darating na taon!

Alam naman ng lahat na nagsisimula nang gumulong ang mga camera para sa shooting ng pelikulang "Martyr or Murderer" na sequel ng "Maid in Malacañang". Ilan nga sa mga naipakilala na sa cast ay sina dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso bilang dating senador Ninoy Aquino.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/25/team-macoy-or-team-ninoy-larawan-nina-cesar-at-isko-sa-mom-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/11/25/team-macoy-or-team-ninoy-larawan-nina-cesar-at-isko-sa-mom-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

Ang aktor naman na si Jerome Ponce bilang young Ninoy, ay nagmula sa katapat na pelikula ng MiM na "Katips" na idinerehe at isinulat ni Tañada.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/24/jerome-ponce-gaganap-bilang-batang-ninoy-aquino-ispluk-ni-darryl-yap/">https://balita.net.ph/2022/11/24/jerome-ponce-gaganap-bilang-batang-ninoy-aquino-ispluk-ni-darryl-yap/

Si Marco Gumabao naman ang gaganap sa papel na young Macoy o dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/23/batang-macoy-marco-gumabao-young-ferdinand-marcos-sr-sa-pelikulang-martyr-or-murderer/">https://balita.net.ph/2022/11/23/batang-macoy-marco-gumabao-young-ferdinand-marcos-sr-sa-pelikulang-martyr-or-murderer/

Bumuwelta pa nga si Yap sa bashers na umookray sa kaniya dahil atat daw siyang magpa-cast reveal gayong may parating pang "2022 Metro Manila Film Festival".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/24/darryl-yap-bumanat-sa-mga-asar-sa-maagang-pa-reveal-sa-ilang-cast-ng-mom-may-mmff-2022-pa-raw/">https://balita.net.ph/2022/11/24/darryl-yap-bumanat-sa-mga-asar-sa-maagang-pa-reveal-sa-ilang-cast-ng-mom-may-mmff-2022-pa-raw/

Sa opisyal na Facebook page naman ng "Philippine Stagers Foundation", ang theater group ni Tañada, makikita ang isang proyektong niluluto nila, na may pamagat na "Project ASN". May hashtag itong "HEROINALLOFUS". At ang ipinahihiwatig ng yellow ribbon, kulay dilaw na letrang N, at iconic eye glasses, ay mukhang patungkol kay dating senador Ninoy Aquino, na magiging tema rin ng MoM.

"We Remember" 🎗," saad sa caption.

Nagkomento rin dito ang "Best Supporting Actor" ng FAMAS at isa sa cast member ng Katips na si Johnrey Rivas.

"Oh yeaaaahhhh!!!" aniya.

"Lalaban at mananaig pa rin ang Kabutihan kaysa sa Kasamaan," komento naman ng isang netizen.

Samantala, wala pang detalyeng ibinabahagi ang direktor-abogado tungkol sa casting ng pelikula.