Isang mensahe ang iniwan ng Queen of All Media na si Kris Aquino para sana sa ika-90 na kaarawan ng yumao nitong ama na si Benigno Jr. o "Ninoy."

Ani Kris, itinuturing siya ng kanyang ina babaeng bersyon ni Ninoy kaya naman ay hindi nito makakalimutan ang kaarawan nito.

Tila may malungkot na tanong din si Kris sa kanyan ama na nakakaapekto sa kasalukuyang kasulugan ng socialite.

"Dad, just a rhetorical question- bakit pati yung cardiovascular problems mo minana ko? My genetic testing cleared me for all types of cancer (thank you God) but 2 of my life threatening autoimmune issues have an effect on blood flow, heart, and lung function…bimb at 15, already has high cholesterol issues," ani Kris.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

BASAHIN: Kris Aquino may life update: ‘Tuloy ang laban, bawal sumuko’

Ibinahagi rin niya ang tatlong taong karanasan niyang nakasama ang ama dahil ikinulong si Ninoy.

"I only experienced having you as my dad for 3 years & 3 months from May 8, 1980 to August of 1983 but you gave me so much of you," masayang mensahe niya na.

Itinuring din niya ang kanyang sarili bilang pinaka-mapalad sa kanilang magkakapatid pagdating naman sa karanasan at pagsasama ng kanilang ama.

"In Boston you weren’t a Vice Governor, Governor, Senator, or a political prisoner sentenced to death by firing squad- you were just my dad who called me “beautiful," saad ni Kris.

"Unselfish" kung maituturing ni Kris ang kanyang ama dahil iginugol nito ang kanyang buhay bilang mahusay na manunulat at tagapagsalita na nagtataguyod ng karapatan ng mga Pilipino.

"Subukan mang baguhin ang kwento ng kahapon, it’s from you i learned to NEVER show anger, NEVER reveal your weakness."

"The child of Ninoy & Cory, the last still carrying their last names, learned from both: Faith in God, Patience, protecting your Integrity, standing firm w/ your words, Trustworthiness & caring for all Filipinos regardless of chosen “color”, and sharing w/ those in need- those are values i hold on to & do my best to instill in my sons. God sees all & that’s what matters. #hero," panapos na mensahe ni Kris para sa ika-90 kaarawan ng kanyang amang yumao na.