Hindi nakitaan ng probable cause ng Laguna Provincial Prosecutor ang reklamong cyberlibel na isinampa ng kolumnistang si Antonio Contreras laban sa abogado at political blogger na si Jesus Falcis III.

Ito ang mababasa sa inilabas na apat na pahinang resolusyon ng pisklaya na may petsang Oktubre 25, sa pagbabahagi ng kopya ng abogado sa isang Facebook post, Lunes.

Babalikan noong Setyembre, partikular na inakusahan ni Contreras ang abogado ng paglabag sa CybercrimePrevention Act of 2012 kaugnay ng isang political blog noong Enero 24.

Anang complainant, ang naturang blog ni Falcis, sa kaniyang“Jesus Falcis Blog”ay naglalaman ng “defamatory and derogatory statements.”

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Partikular na ipinunto ni Contreras ang bahagi ng blog ni Falcis kung saan tinawag siya ng abogado na “biased” laban sa noo’y Presidential candidate at Vice President Leni Robredo kasunod ng pagpapakalat umano ng fake news ng kolumnista kaugnay ng isang nakanselang Presidential interview noong Enero.

“And si Contreras, hindi lang biased against VP Leni pero may axe to grind siya. Yung judge na relative nya ay kinasuhan at dinisbar ng Supreme Court dahil may biniktimang batang babae. Tinulungan ni VP Leni yung batang babae habang rineject yung hingi ni Anotonio Contreras ng tulong para sa relative nya na judge. And ever since then, puro fake news at kasinungalingan pino-post ni Contreras tungkol kay VP,” mababasa sa bahagi ng reklamong binigyang-pansin ni Contreras na nasa blog ng abogado.

Depensa ng abogado sa resolusyon, “there is no imputation of a crime, a vice or defect, or any act which tends to discredit or dishonor or put him in contempt” sa parirala ng kaniyang blog na “rineject yung hingi ni Anotonio Contreras ng tulong para sa relative nya na judge.”

Dagdag ni Falcis, ang mga salitang “paghingi ng tulong” ay hindi rin nagpapalagay ng negatibo o defamatory act laban kay Contreras. Nauna nang iginiit noon ng abogado na isang paraan ng kaniyang pagpapahayag ng freedom of speech ang naturang political blog.

Sa huli, hindi nakitaan ng “malice” ang mga pahayag ni Falcis na anang piskalya ay base lang sa naunang mga pahayag ng Korte Suprema at isang blog noong 2016 laban sa dating hukom na Contreras, at kolumnistang Contreras mismo, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang abogado sa mga tumulong para mapagtagumpayan ang kinaharap na kaso.

Basahin: Blogger, sinampahan ng cyberlibel ni Contreras; abogado, niresbakan ng ‘Kakampinks’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“From 1 peso (yes, there were many) to 1000+ peso donations, all donations no matter how big or small were greatly and equally appreciated. I replied to each and every donor directly to send my thanks but if I missed anyone, please do know I am sincerely grateful,” mababasa sa Facebook post ni Falcis, Lunes.

Nasa plano naman ng abogado ngayon ang magsampa ng “strongest cases” laban sa ilang bloggers, partikular na mga tagasuporta nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulong Bongbong Marcos.

“So pinag-iisipan ko pa and strategizing about it,” aniya.