Nanggalaiti ang mga netizen sa video entry ng isang TikToker matapos niyang harangan ang bukana ng isang escalator sa isang mall at humataw ng sayaw para may mai-upload sa sikat na social media platform.

Kitang-kita sa ngayon ay burado nang TikTok video na pagkababa ni "Simon Javier" mula sa escalator ay agad siyang humataw ng sayaw para sa content niya.

Bagay na hindi naman ikinatuwa ng marami sa mga netizen. Anila, istorbo raw sa ibang mga dumaraang mall goers ang kaniyang ginawa. May ilan naman daw na lugar na puwede niyang pagsayawan.

Suhestyon pa ng mga netizen, sana raw ay alisto ang security personnel para sawayin ang mga kagaya ni Javier na bigla-bigla na lang magti-TikTok sa isang lugar na daanan ng mga tao.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi lamang mga ordinaryong netizen ang nag-react sa kaniyang ginawa kundi maging ang ilang mga kapwa social media influencers din, kagaya ni Nina Cabrera.

"Not these 'influencers' being a potential cause of accident pa on an escalator," aniya sa tweet kalakip ang burado nang TikTok video ni Javier, na mabilis namang nakuha ng ibang mga netizen.

"You could’ve danced like 5 steps away from the platform but you chose to do it right on the silver space which means you’re an obstruction. 🤦‍♀️🤦‍♀️🤦‍♀️," giit pa ng influencer at CEO ng isang beauty product.

https://twitter.com/theninaellaine/status/1596560561658945536?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1596560561658945536%7Ctwgr%5E185197991cfc30f002fe3ea637fed3201b63f359%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Ftnt.abante.com.ph%2F2022%2F11%2F28%2Ftiktoker-na-feeling-may-ari-ng-mall-nakakaasar-na%2Fnews%2F

Samantala, wala pang pahayag ang nabanggit na TikToker tungkol sa isyu.