Ayon sa isang pahayag, “last reunion” na ng tinaguriang “most influential band” ng OPM music scene sa darating na Dis. 22.
Ito’y ayon na mismo sa concert producer at pangulo ng WEU Event Management Services na si Francis Luman.
“This will be the last reunion of the group that’s why we want to give the fans one last epic show,” aniya sa pagtukoy sa huling pagtatanghal ng Eraserheads.
Sinegundahan din ang naturang impormasyon ng manager ng E-heads lead vocalist na si Elly Buendia.
“This is definitely the last reunion of the Eraserheads in the Philippines,” ani Dianne Ventura, co-producer din ng papalapit na concert ng banda.
Ang Eraserheads ang tinaguriang pinakamatagumpay na banda sa kasaysayan ng original Pinoy music (OPM) scene.
Taong 2002 nang mag-disband ang grupo matapos ang labintatlong taon.
Kilala ang grupo sa mga kantang “Ligaya,” “Pare Ko,” “Magasin,” “Alapaap,” “Ang Huling El Bimbo,” bukod sa iba pa.
Ilang paghahanda naman mula pa noong Oktubre ang ipinangako ng grupo para sa fans.