Nagbabalik ang Pamaskong Handog events ng SM Supermalls at BDO upang maghatid ng saya at natatanging pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa mga nagbalikbayang Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya ngayong Disyembre.

Naglalakihang pa-premyo, entertainment, at bonding moments kasama ang mga special guests ang dapat abangan sa 2022 Pamaskong Handog na may temang “Kita-kits na muli sa SM”.  Idaraos ito sa SM City Santa Rosa, Laguna sa December 3; SM City Iloilo sa December 10; at SM CDO Downtown Premiere sa December 17, sa ganap na 2PM.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Huwag palagpasin ang espesyal na pagtatanghal ng BDO Remit endorser na si Piolo Pascual, maging ang mga komedyanteng sina MC & Lassy na magbibigay-katatawanan bilang hosts sa tatlong events. Kasama rin sina Ate Gay at Regina sa SM City Sta. Rosa at SM City Iloilo, at Divine Tetay at Tonton Soriano sa SM CDO Downtown Premiere.

Bilang espesyal na regalo, maraming ekslusibong deals at discounts ang inilaan ng SM affiliates para sa Kabayan Savings account holders. Halos araw-araw ay mayroong discount sa SM sa buong Disyembre!

Tuwing Lunes ay may P300 off sa Miniso; P500 off sa SM Stores tuwing Martes; 10% off sa Surplus Shop sa Miyerkules; at sa Huwebes naman, may pa-FREE cheeseball sa SM Supermarket, SM Hypermarket, at SM Savemore. May P500 off din sa Baby Company na nagsimula nitong November 15 hanggang December 31.

Ang BDO naman ay may ongoing promo para sa mga overseas Filipinos at kanilang mga benepisaryo. Hanggang P20,000 ang waived fees sa Home Loan at P30,000 naman ang waived fees para sa Auto Loan. Sa mismong Pamaskong Handog events naman, may chance manalo ng P1 million-worth of insurance coverage mula sa BDO Life, cash prizes, at freebies mula sa BDO Cash Agad at mga espesyal na regalo mula sa BDO Network Bank. 

Maliban sa celebrity shows, may pa-bingo, games at raffle din ang BDO at partner sponsors na Western Union at WorldRemit. Magbibigay rin ng financial tips sa savings at investment ang BDO para matulungan ang mga overseas Filipinos na iplano ang kanilang kinabukasan.

Papahuli ka ba? Tara na at makisali sa kasiyahang hatid ng SM at BDO. Ipakita lamang ang BDO Kabayan or BDO Network Bank Kabayan ATM card or passbook sa venue. Maaari rin magsama ng isang companion ang Kabayan Savings account holder.

At para sa mga Pinoy na hindi pa makakauwi sa Pilipinas, huwag mag-alala dahil mapapanood ang livestream ng Pamaskong Handog sa BDO Kabayan Facebook page. Pwede ring bisitahin at makinood sa BDO Remit at BDO Unibank representative offices sa Hong Kong, Japan, Macau, France, at United Arab Emirates.

Mula 2012, naging daan na ang naturang event upang magbigay entertainment at regalo para sa overseas Filipino families taon-taon. Bagamat naging virtual ang selebrasyon dahil sa pandemiya, tuloy-tuloy pa rin na nagbibigay-saya ang BDO at SM sa mga OFW at mga pamilya nitong nagdaang dalawang taon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang BDO Kabayan Faceboook www.bdo.com.ph/promos/pamaskonghandog2022 or BDO Kabayan Facebook page.