Tumaas pa sa 11.1% ang seven-day Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Ito ay batay sa datos na inilabas ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Linggo.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, mula sa dating 7.5% lamang noong Nobyembre 19, ay tumaas na sa 11.1% ang positivity rate sa rehiyon nitong Nobyembre 26.

Ang positivity rate ay yaong porsyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa pagsusuri.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, ang positivity rates naman sa iba pang lalawigan sa Luzon gaya ng Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, at Pangasinan ay nagsitaas din.

Nabatid na ang Isabela ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa Luzon na nasa 44.4%.  Ito ay pagbaba mula sa dating 49.4% noong Nobyembre 19.

Nasa 12 lugar naman sa Luzon ang nakitaan ng pagbaba ng positivity rates sa nasabing panahon.

Kabilang dito ang Albay, Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.