Patay ang isang lalaking senior citizen matapos masunog ang isang residential area sa Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Delfin Enerva, 70, taga-Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Nestor Bactismo sa Saint Vincent St., Brgy. Holy Spirit pasado 4:00 ng madaling araw.

Sa pahayag ni Bactismo, malaki na ang apoy at hindi na niya naapula kaya iniligtas na lang ang mga anak.

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

Mabilis na gumapang ang apoy sa mga katabing bahay.

Dahil dito, nagmamadali umanong lumabas ng bahay si Enerva. Gayunman, nadulas ito na ikinabagok ng kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naapula ang sunog na ikinaabo ng 10 na bahay dakong 6:20 ng umaga.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang insidente.