Viral muli online ang prangkang payo ng batikang Korean dream mentor na Bae Yoon Jung sa Pinoy idol hopefuls sa kamakailang episode ng “Dream Maker.”

Kilala ang Korean superstar mentor bilang isa sa mga orihinal na humubog sa mga sikat na celebrities at produkto ng orihinal na format na Produce 101 kabilang na ng K-pop-idol at actress na si Kim Sejeong.

Bukod pa rito, si Bae Yoon ay may malaking ambag din sa tagumpay ng malalaking entertainment organization at grupo sa South Korea kagaya ng JYP, Wondergirls bukod sa iba pa.

Kaya isa sa mga kinatatakutan ng chasers ang matalas na obserbasyon nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa unang stage ng kompetisyon, nauna nang nag-viral na ang pahapyaw na mga opinyon ng mentor. At nito ngang Sabado, Nob. 26, isang direktang saad na pinakawalan ni Bae Yoon.

“I’m having difficulty because I was so bored! DREAM MAKER will not just make a P-POP group. This is a collaboration of both KOREA and PHILIPPINES the winner will be launched in KOREA,” diretsang saad ng Korean mentor.

Basahin: ‘Dream Maker’ theme song ng ABS-CBN, tampok sa isang dambuhalang K-pop channel – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kasalukuyang 62 chasers, pito lang ang matitira at lilipad sa Korea para magsanay at opisyal na ipakikilalang global group.

“I know that you are not used to training but you all like lethargic (matamlay) and don't like what you are doing!” dagdag ni Bae Yoon sa mga idol hopefuls.

Sunod na pinaalalahanan ng mentor ang kahalagahan ng mindset sa mga tatahaking goals.

“The mind is important. That your mind likes what you are doing. And that you want to win! And that's what I want but I don't feel it from you,” striktang saad pa niya.

“I hope you feel ashamed for the many people who wanted to be here but didn't make it because you were chosen. Don't forget that and it should stick in your head,” pagtatapos ni Bae Yoon.

Agad na nag-viral online ang pahayag ng Korean mentor na sinang-ayunan naman ng maraming netizens.