May mensahe si dating Senador Kiko Pangilinan para sa ika-90 kaarawan ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. nitong Linggo, Nobyembre 27.

Sa kaniyang social media accounts, binati ni Pangilinan si Aquino.

"Today marks the 90th birth anniversary of Sen. Ninoy Aquino! Maligayang kaarawan, Ninoy," aniya.

"Maraming salamat sa iyong paninindigan at pag-alay ng iyong buhay para sa katotohanan at kalayaan," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1596778483182899200

Bilang selebrasyon, nagsagawa ng misa ang pamilya Aquino para sa yumaong dating senador na pinangunahan ni Fr. Tito Caluag.

“It was grace, that grace that gave him that transformation, and it was the grace that lead him to the highest honor of his life, for the freedom of our people— martyrdom,” ani Caluag sa kaniyang Homily.

"To remember is to keep the grace alive. As we remember him, he may be for us an example of the journey of Advent- to wait in hope, to wait in the promise of God, that he will give our people the freedom that we will deserve and therefore it is a freedom that we need to work on."