Mula top 3 noong Setyembre, nangunguna na sa pinakahuling listahan ng Missosology ang forensic scientist na si Hannah Arnold para sa prestihisyusong Miss International crown.

Ito’y dahil handang-handa na umano ang pambato ng Pilipinas sa naturang kompetisyon na halos dalawang taon din naghintay para katawanin ang bansa.

Halos tatlong taon ding nawala sa pageant scene ang Miss International dahil sa Covid-19 pandemic.

Basahin: Hannah Arnold, pasok sa unang hot picks ng Missosology para sa Miss International 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Her country has a lot of sash weight and is second only to Venezuela in terms of number of titleholders. She is well prepared and well polished as she was groomed by the Philippines’ oldest and arguably the most prestigious beauty pageant – Bb. Pilipinas. The pageant is also responsible for five of the six Miss International crowns of the Philippines and is still headed by the first ever Miss International winner,” anang grupo ng pageant experts.

Basahin: Dyosa! Send off look ni Hannah Arnold, aprub sa pageant fans! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sumunod kay Hannah ang delegada ng Vietnam na si Phạm Ngọc Phương Anh na anang Missosology ay may malaking tsansa sa nasabing pageant brand base sa mga naunang kalibre ng mga kandidata mula sa naturang bansa.

Pangatlo sa pre-arrival hot picks ng Missosology si Miss Indonesia Cindy May McGuire na kagaya ni Hannah, ay inihanda rin anila ng kaniyang national organization para sa kompetisyon.

Inilarawan naman ng mga eksperto ng Missosology bilang “best contestant from Europe” ang ikaapat sa listahan na si Miss Spain Julianna Ro.

“Her country has three Miss International titleholders already which means Spain has a pretty good sash weight,” anang pag-estima ng grupo.

Hindi naman nawawala sa radar ng mga eksperto ang maaaring pagkapanalo ni Miss Cabo Verde Stephany Amado bilang kauna-unahang African titleholder ng Miss International.

Narito ang kabuuang Top 15 hot picks sa pinakahuling deliberasyon ng Missosology.

  1. Miss Philippines Hannah Arnold
  2. Miss Vietnam Phạm Ngọc Phương Anh
  3. Miss Indonesia Cindy May McGuire
  4. Miss Spain Julianna Ro
  5. Miss Cabo Verde Stephany Amado
  6. Miss Namibia Erika Kazombaruru
  7. Miss Canada Madison Kvaltin
  8. Miss Mexico Yuridia Durán
  9. Miss Peru Tatiana Calmell
  10. Miss India Zoya Afroz
  11. Miss Nigeria Precious Obisoso
  12. Miss Czech Republic Adéla Maděryčová
  13. Miss Norway Romée Dahlen
  14. Miss Colombia Natalia López Cardona
  15. Miss Venezuela Isbel Parra

Sa darating na Dis. 13 gaganapin ang Miss International competition sa Tokyo, Japan.