Nakapagtala na ng 196,728 kaso ng dengue sa bansa, halos triple kumpara sa naitala noong 2021, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, ang nasabing bilang ay naitala mula Enero 1 hanggang Nobyembre 5 ngayong taon.

Mataas ito ng 191 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Sinabi ng ahensya, nasa 67,537 kaso lang ang naitala mula Enero 1 hanggang Nobyembre 5, 2021.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Bukod dito, tumaas din sa 642 ang nasawi sa sakit, kumpara sa 247 noong 2021.

Lumobo ang bilang ng nasawi sa sakit sa Central Visayas, Central Luzon, Western Visayas, at Metro Manila.

Tumaas din ang bilang ng dengue cases sa Central Luzon, National Capital Region at Calabarzon o Region 4A.