Pumalag si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos sa ginawang pagkomento ng dating gobernador ng Ifugao at kandidato sa pagkasenador na si Teddy Baguilat, Jr. tungkol sa umano'y kumalat na pubmat ng panayam sa kongresista tungkol sa paggamit ng puting sibuyas kung hindi available, o namamahalan sa presyo ng pulang sibuyas.

Kapani-paniwala ang kredibilidad ng naturang mga pahayag dahil may logo pa ito ng SMNI Network ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ibinahagi naman ito ni Baguilat sa kaniyang Twitter at kinomentuhan.

"In short, ang gusto nila sabihin, magtiis kayo. Pag ganyan ang problem-solving skills ng leaders natin, kawawa tayo. Sana solusyonan kung bakit nahihirapan ang farmers kaya nagmahal ang sibuyas," aniya.

Ini-screengrab naman ni Sandro ang tweet ni Baguilat, kinomentuhan, at ibinahagi sa kaniyang Instagram story.

"More fake news, never said this or gave any interview."

"Try harder guys," aniya.

Screengrab mula sa Instagram ni Cong. Sandro Marcos

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Baguilat at kaagad na humingi ng dispensa sa pamamagitan din ng tweet.

"Sorry I have to be more cautious sa fake news. I think the quote attributed to Cong Sandro that I commented is not true. I apologize. My bad. For us who fight misinformation should take the lead in verifying info we shared. I haven’t. Sorry po."

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1596373929203232768?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet

Wala pang tugon si Cong. Sandro kung tinatanggap ba niya ang paghingi ng paumanhin ni Baguilat.