Prangkang sinagot ng international Filipino fashion blogger at online personality na si Bryan Boy ang isang inang netizen na nanghihingi sa kaniya ng pang-gatas at pang-diaper ng kaniyang baby.

“Gusto sana kitang tulungan, pero hindi ako gumawa ng baby na ‘yan,” diretsang saad ng fashion socialite sa isang Facebook video, Lunes.

“Kung basic needs na nga lang ng anak mo, hindi mo ma-provide, anong gagawin mo kapag lumaki na yang bata na ‘yan?” pagpapatuloy ni Bryan Boy habang ipinuntong kailangan na matugunan ang pag-aaral, pagkain, bukod sa iba pa, ng bata sa hinaharap.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sunod na diretsang payo ng online personality, “’Yun na nga eh, kung wala talaga kayong pera, ‘wag na kayong gumawa ng bata. And, wag na kayo magdagdag ng chanak sa mundo.”

Bagaman tila walang awa o prangka ang tono ni Bryan, tiningnan naman itong “real talk” ng kaniyang followers na mahirap umanong tanggapin sa lipunan, lalo na sa Pilipinas.

“Correct ninang pag tinulungan mo pa ‘yan parang tinolerate mo lang ‘yung maling habit niya,” anang follower ng online personality.

“Children are a big and expensive responsibility. This responsibility is not meant for everyone, not because you have the ability to bear a child, you'll take it as if you're just adopting a puppy. Kung walang pang sustain sa pangangailangan ng anak, isara ang mga hita!” segunda ng isa pa.

“Hindi tanggap ng lipunan yung pangrirealtalk ni Bryanboy. Pero yun ang realidad. Hindi obligasyon ng sinoman ang sarili mong anak. Kaya magtrabaho ka kung wala kang pang diaper.”

“Realtalkers are the most hated people in the world. I'm not saying he is right what I'm saying is he has a point and he speaks the truth.”

“Real talk lang naman si ninang totoo naman yun wag mag anak ng marami kung di kaya obligasyon tapos pagtanda yun anak gagawing retirement fund.😑

Sa pag-uulat, umabot na sa 40,000 views ang naturang video na umani na rin ng mahigit 4,300 reactions at 669 shares.

Matatandaang kilala si Bryan Boy o “Ninang” kung tawagin ng kaniyang followers, sa kaniyang prangkang mga saloobin at pananaw online.

Basahin: Bryan Boy, inaming siya’y isang atheist: ‘Wag niyo isaksak sa baga ko ang pinaniniwalaan niyo’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid