Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magpapaliwanagsila sa Office of the Ombudsman kaugnay sa imbestigasyon sa naantalang pagpapatupad ng Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195 na nagbabawal sa pagtitinda ng imported na isda sa palengke.
Sa pahayag ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, magsusumite sila ng pahayag sa anti-graft agency hinggil sa kontrobersyal na FAO.
Ito ay tugon ng BFAR sa inilabas na kautusan ng Ombudsman na dapat na magpaliwanag ang BFAR sa loob ng tatlong araw dahil sa mga lumabas na ulat na kukumpiskahin na ng ahensya ang mga imported na isdang pink salmon at pompano simula Disyembre 4.
Idinahilan ng BFAR, bawal ibenta sa palengke at grocery ang mga nabanggit na batay na rin sa FAO.
Matagal na aniyangipinatutupadang FAO at ngayon lang sila naghigpit dahil umano sa pagdagsa ng imported na isda sa mga pamilihan sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Idinagdag pa ni Briguera, pinoprotektahan lang nila ang kabuhayan ng mga mangingisda na nalulugi na sa pagpasok ng imported na isda sa Pilipinas.