Nahalal bilang bagong pangulo ng Metro Manila Council sa joint meeting ng grupo sa Regional Development Council (RDC) ang alkalde ng San Juan na si Francis Zamora.

Sa session nitong Sabado ng gabi, Nob. 26, na ginanap din sa San Juan, napili rin si Zamora bilang vice chairperson para sa RDC.

“Unang-una sa lahat ako ay nagpapasalamat po sa bumubuo sa Metro Manila Council, kay MMDA Chairman Artes, sa lahat ng Metro Manila Mayors maraming salamat sa tiwala sakin,” ani Zamora.

Kabilang sa mga miyembro ng konseho na dumalo ay sina Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr., Pateros Mayor Mike Ponce III, Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Manila City Mayor Honey Lacuna, Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose “Jerry” Acuzar.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tiniyak ni Zamora na "pag-iisahin" niya ang mga lungsod kahit na hindi maiiwasang may hindi pagkakasunduan.

Aniya, “Unang termino ko bilang mayor naranasan natin ang pandemya, nakita ko gaano kalaki ang bagay kung ang labing pitong mayors sa Metro Manila ay nagkakaisa."

Kabilang sa mga isyu na ipinangako ng alkalde ng MMC na lulutasin ay ang trapiko sa kalakhang lungsod.

“Bumabalik na sa normal ang buhay natin. Ibig sabihin nag lalabasan na ang mga mamamayan kaya kailangan nating gumawa ng mga hakbang upang malutas ang traffic sa metro Manila,” anang alkalde.

Samantala, nagpahayag din siya ng pasasalamat sa kapwa niyang alkalde na bumoto sa kanya, at sinabi niyang nasasabik na siyang simulan ang mga responsibilidad niya bilang bagong pangulo ng Metro Manila Council.

"It's an honor to have been elected as the President of the Metro Manila Council composed of the Metro Manila Mayors, the MMDA Chairman and the heads of the MMVML and MMCL. We were also elected as Co-Chairperson of the Regional Development Council for NCR. Thank you very much for the trust and confidence my fellow council members!"

"Very much thankful to have been elected as President of the Metro Manila Council and Co-Chairperson of the NCR Regional Development Council. Thank you very much to all our Metro Manila Mayors, MMDA Chairman Don Artes and the heads of the MMVL and MMCL for the trust and confidence!

"Very much excited to take on these new responsibilities for the development of the National Capital Region! Mabuhay ang Metro Manila at ang Pilipinas," ani Zamora sa isang Facebook post.