I'm gonna live forever ~

Pumanaw na sa edad na 63 ang Oscar-winning musician na nagpasikat ng mga kantang 'Fame' at 'Flashdance… What a Feeling' na si Irene cara.

Sa isang tweet, kinumpirma ni Judith A. Moose, presidente ng JM Media Group Publicist to Irene Cara ang pagpanaw ng singer.

“It is with profound sadness that on behalf of her family I announce the passing of Irene Cara. The Academy Award-winning actress, singer, songwriter and producer passed away in her Florida home," ani Moose.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

https://twitter.com/Irene_Cara/status/1596392865948499968?s=20&t=VLXpfabQcp0w3Oh0NZApxQ

Wala pang kumpirmasyon sa kung ano ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

"Her cause of death is currently unknown and will be released when information is available."

Samantala, humiling ng privacy ang pamilya ni Irene habang pinoproseso nila ang kanilang kalungkutan sa pagpanaw ng singer.

Pinaplano pa lang ang petsa ng libing nito at burol na bukas para sa kanyang taga-hanga.

Matatandaan na nakilala rin si Irene sa kanyang lead role sa 1976 musical drama na "Sparkle."

Ang kanyang pagganap sa "Fame" ay nagresulta sa isang Golden Globe nomination para sa Best Actress, habang ang kanyang sikat na Flashdance song ay nanalo rin sa kanyang dalawang Grammy awards: para sa Best Album of Original Score Written for a Motion Picture o A Television Special at para sa Best Female Pop Vocal Performance.