Nakatanggap ng kauna-unahang parangal bilang magkatambal ang "KDLex" o love team nina Kapamilya stars KD Estrada at Alexa Ilacad sa ginanap na 6th Asia Pacific Luminare Awards, sa Okada Manila.

"Our first ever award as a loveteam coincided with our KDLex Sweethearts’ 10th Monthsary! 🤍🫶🏻," saad ni Alexa sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Nobyembre 26.

"Thank you, for this recognition as Asia’s Most Promising Loveteam 2022 given during the 6th Asia-Pacific Luminare Awards held at Okada, Manila."

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Ibinahagi rin ni KD sa kaniyang Instagram account ang katulad na post ni Alexa.

Nagsimula ang tambalan ng KDLex nang magsama sila bilang celebrity housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition nitong 2022.