Nakapanayam ng isang content creator si ABS-CBN news anchor Karen Davila patungkol sa pinag-usapang kauna-unahang panayam sa kaniya ni Korina Sanchez-Roxas sa "Korina Interviews" na umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Nangyari ito matapos ang pagkikita-kita ng mga dati at kasalukuyang ABS-CBN news anchors sa ika-60 kaarawan ng head ng News and Current Affairs na si Ging Reyes, na magreretiro na.

Kung ilalarawan daw ni Karen ang naturang panayam, mula sa kaibuturan ng kaniyang puso, masasabi niyang "in God's perfect timing" ang mga nangyari. Aware din si Karen na maraming nagsasabing "kaplastikan" daw ang naturang panayam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/29/karen-davila-aminadong-takot-kay-korina-sanchez-nagkaharap-matapos-ang-22-taon/">https://balita.net.ph/2022/10/29/karen-davila-aminadong-takot-kay-korina-sanchez-nagkaharap-matapos-ang-22-taon/

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"In social media they would say, ang pa-plastik niyo, 'di ba… ang fake n'yo… But you know, I'd like to say from the bottom of my heart that interview with Korina was really in God's good and perfect time," ani Karen.

Inamin naman ni Karen na noon pa man ay hindi pa talaga sila magkaibigan ni Korina, sa halos ilang dekada na niya sa ABS-CBN. Ni minsan daw ay hindi sila nabigyan ng pagkakataong makapag-usap, o magkasama sa isang newscast o programa.

"Yes, Korina and I… Ayaw ko namang magpakaplastik, we were not friends. We didn't have the opportunity in ABS-CBN to sit together, to talk with each other. And for whatever reason it was, we were both busy, the competition is too much. ABS was a very competitive environment. And I think everybody who would see this would know that, right?"

"But to me, to meet Korina when she came to the house. I would already see Korina in Socials because we have the same set of friends, but really napakagaan. Bakit ganon? Because it is in God's perfect time," dagdag pa ng mamamahayag.

Kaya nga raw niya nang makita niya ang mga "institusyon" ng ABS-CBN sa larangan ng pamamahayag na nagtungo sa birthday party ni Ging, ganoon na lamang ang panghihinayang niya. Sa kasalukuyan kasi ay wala na sa ABS-CBN si Korina at may shows sa NET25 at TV5, bagama't napapanood naman sa Kapamilya Channel at A2Z Channel 11 ang "Rated Korina" bilang content provider sa kanila.

Samantala, kinakasa na raw ang posibleng panayam naman ni Karen kay Korina sa vlog ng una, na ipinangako naman ni Koring sa kaniya.