Dinagdagan pa ng Department of Agriculture (DA) ang Kadiwa centers nito sa Metro Manila upang makabili ang publiko ng murang produktong Pinoy.
Sa pahayag ng ahensya, bukodpa ito sa dati nang bukas na mga Kadiwa store sa DA Central Office saElliptical Road, Diliman, QC, Caloocan City Hall C-Cube Complex, at Bureau of Animal Industry (BAI).
Bukod sa QC, kabilang din sa nagbukas ng Kadiwa stores ang Parañaque City, Pasig City, Mandaluyong City, Cainta, Las Piñas City at Makati City.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko na tangkilikin ang mga iniaalok na produkto sa mga nasabing lugar bilang tulong na rin sa mga magsasaka sa bansa.