Dismayado si Energy Regulatory Commission (ERC) chairwoman Monalisa Dimalanta kaugnay sa kautusan ng Court of Appeals (CA) na suspendihin muna ang implementasyon ng Power Supply Agreement (PSA) sa pagitan ng Manila Electric Company (Meralco) at kumpanyang South Premiere Power Corporation (SPPC)

Sa pahayag ni Dimalanta, nangangamba ito sa magiging epekto ng temporary restraining order (TRO) o pagsuspindi sa pagpapatupad ng PSA.

Ang kautusan ay inilabas ng CA kamakailan.

Dahil dito aniya, posibleng makatikim ng panibagong pagtaas ng singil sa kuryente ang tinatayangaabot sa 7.5 milyong consumers ng Meralco sa Metro Manila, Central Luzon at Region 4A o Calabarzon.

“If these PSAs are immediately suspended, this brings us precisely to the situation which we at the ERC have sought to avoid with our ruling that required the proper observance of the terms of the PSA, including the contractually-agreed process of termination,” aniya.

Sa ruling ng 14th Division ng CA, sinuspindi nila sa loob ng 60 araw ang nasabing kasunduan.

“(I)n view of the circumstances and the interest of the general public, this Court grants the TRO and hereby suspends the implementation of the PSA. The TRO shall be effective for a period of 60 days from service on Respondents,” banggit ng hukuman.

Inilabas ng korte ang TRO kasunod na rin ng petisyon ngMeralco, SPPC, at San Miguel Energy Corp. na humihiling na magpatupad sila ng temporary adjustment kaugnay sa pinirmahan nilang PSA noong 2019 upang mabawi umano ang malaking gastos na resulta ng pagtaas ng panggatong.

Philippine News Agency