Iginiit ng kaibigan ni Angel Locsin na si Dimples Romana na hindi totoo ang mga kumakalat na tsikang on the rocks na ang relasyon ng "real-life Darna" sa mister nitong si Neil Arce.

Nadawit pa sa intriga ang dating jowa ni Neil na si Maxene Magalona, na nakasama naman ni Dimples sa teleseryeng "Viral Scandal".

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Dimples noong Nobyembre 24, sa ginanap na media conference para sa pelikulang "My Father, My Self" sa Novotel Araneta sa Quezon City, muling pinagdiinan ni Dimples na nasa maayos na kalagayan sina Angel at Neil. Patuloy aniya ang komunikasyon niya sa mag-asawa kaya siya mismo ang makapagsasabing walang katotohanan ang mga haka-haka ng mga malisyosong netizen sa kanila.

Hanggang ngayon kasi ay nasa social media hiatus ang aktres.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Fake news umano ang mga kumakalat na balita patungkol sa mag-asawa. Aniya pa, wala umanong karapatan ang mga tao na kuwestyunin kung anuman ang mga ginagawa o desisyon ngayon ng dalawa dahil buhay nila iyon.

"Si Neil kausap ko lang noong nasa Japan ako, nag-uusap naman kami lagi ni Gel. The Lord knows what's happening between them, between us, so yun ang pinakaimportante sa lahat. Nobody has the right to question what they do with their lives because again it's their lives. If they are happy, happy ako," giit ni Dimples.

Anyway, bagama't hindi pa personal na nagsasalita si Angel tungkol dito, nauna nang binasag ni Neil Arce ang kaniyang katahimikan sa isyu.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/25/neil-arce-flinex-ang-christmas-gift-ni-angel-locsin-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/11/25/neil-arce-flinex-ang-christmas-gift-ni-angel-locsin-sa-kaniya/

Aniya, ibinibigay na lamang niya ito sa fake news peddlers para may pagkakitaan sila.

Ang latest pa nga, ibinida ni Neil ang regalo sa kaniya ni Angel para sa Pasko.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/17/neil-arce-pinatutsadahan-ang-mga-fake-news-peddler/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/17/neil-arce-pinatutsadahan-ang-mga-fake-news-peddler/