Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) matapos umanong tumanggap ng suhol sa kanyang opisina sa Maynila kamakailan.

Tumanggi pa ang PCG na isapubliko ang pagkakakilanlan ng empleyado na nasa kustodiya na ng Enforcement and Security Services (ESS) ng BOC.

Sinabi ng PCG na naka-duty sa Manila International Container Port (MICP), dinampot nila ang empleyado matapos tanggapin ang suhol na ₱7,760 na nakaipit sa dokumento sa mismong opisina nito sa BOC-Entry Processing Unit (EPU) Import Division nitong Sabado ng hapon.

Hindi na rin tinukoy ang complainant sa kaso para na rin sa kanyang seguridad.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Nahaharap na sa kasong administratibo at kriminal ang suspek.