Kahit mahigit isang linggo na ang nakalilipas, patuloy pa ring pinag-uusapan ng mga netizen ang naging banat ng batikang aktor na si Jaime Fabregas sa November 17 episode ng game show na "Family Feud".

Sumali sa naturang game show ang Fabregas Family na pinangungunahan ni Jaime kasama pa ang tatlong kaanak. Nakalaban naman nila ang Eigenmann Family.

Isa sa mga tanong sa kanila ng game master Dingdong Dantes ay "Sino ang nakatira sa mga exclusive subdivision at villages?"

Sagot ni Cathy Eigenmann, "Mga politiko".

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Si Ryan Eigenmann naman, sumagot ng "Mga kriminal".

"Oo, mga gated subdivision! Mga kriminal,” giit pa ni Ryan.

Nagkatawanan naman ang lahat. Ikinonsidera ang kriminal subalit ang hinahanap na sagot ay "drug lords".

Hindi naman napigilan ni Jaime na hindi mapakomento, batay na rin sa pahintulot ni Dingdong.

“Hindi ba ‘yung politiko saka ‘yung drug lord parang isa lang…" sey ni Jaime habang iminumuwestra ang kaniyang mga kamay.

https://twitter.com/hecklerforever8/status/1594483327960231938?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1594483327960231938%7Ctwgr%5E7fbe72a1ae4cd35614239a6c9fcea11bb5b1fe0e%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Finteraksyon.philstar.com%2Fcelebrities%2F2022%2F11%2F21%2F235237%2Fjaime-fabregas-comment-in-family-feud-philippines-episode-earns-buzz%2F

Nagkatawanan naman ang mga kalahok, maski na ang game master at host.

Matatandaang marami sa mga nakalaboso at na-raid na drug lab ay matatagpuan sa exclusive subdivisions at posh condominium sa iba't ibang lungsod sa Metro Manila.

Marami sa mga netizen ang nagkomentong natumbok ni Jaime ang katotohanan tungkol dito: na karamihan daw sa mga politiko ay drug lords o protektor ng mga ipinagbabawal na gawain.

"Drug lords entering politics to save themselves and take advantage of the power. So yeah, kadalasan iisa na lang ang drug lords and politicians. Sad but true."

"Napanood ko ‘to, ang taba rin talaga ng utak ni Ryan. Sigawan din kame sa tuwa lalo na yung nag comment si Sir Jaime kasi naghold back pa sya noong una eh."

"Alam ng buong bayan. It's a joke but not a really funny one bec its true."

"So ironic po niyang episode na yan kasi may nareport sa 24 Oras (same channel) na Shabu Lab sa isang exclusive subdivision sa Alabang. Bwahahahaha!!! Panalo talaga!!!"

So far naman ay wala pang umalmang mga taga-exclusive subdivisions o villages tungkol sa mga maging komento ni Jaime, na kilalang nagkokomento talaga tungkol sa mga isyung panlipunan at pampulitika.