Limang babaeng Vietnamese ang nailigtas ng mga awtoridad sa isang condominium na prostitution den saParañaque City na ikinaaresto ng dalawang dayuhan kamakailan.

Sa pahayag ng Southern Police District-Special Operation Unit (DSOU), ang dalawang suspek ay kinilalang sinaHuang Diyong, 37, isang Chinese, at Ha Thi Ut, 26, na isa namang Vietnamese.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang limang biktima ay nailigtas saBayshore I Residence sa Parañaque City nitong Nobyembre 25 ng madaling araw.

Bago ang pagsalakay sa nasabing condominium unit, nagsumbong sa pulisya ang isang Rommel Battung dahil sapilitan umanong pinagtatrabaho ang limang babae bilang prostitute sa isang unit ng naturang condominium.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nasamsam sa dalawang suspek ang dalawang P1,000 bills, boodle money, isang sports utility vehicle (NBK-1912) at isang mamahaling cellular phone.

Nahaharap na sa paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Person Act ang dalawang suspek na nasa kustodiyana ng pulisya.

Jean Fernando