Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 5.0 na lindol sa karagatan ng Surigao del Sur nitong Linggo ng hapon.

Sa pahayag ng Phivolcs, tumama ang lindol 35 kilometro hilagang silangan ng Cortes dakong 12:43 ng hapon.

Nasa 11 kilometro ang nilikhang lalim ng pagyanig na resulta ng paggalaw ng aktibong faultline malapit sa lugar.

Naramdaman naman ang Intensity 2 sa Tandag, Surigao del Sur at Intensity 1 naman sa Cabadbaran City sa Agusan del Norte.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Walang inaasahang aftershocks o pinsala ang pagyanig, ayon pa sa Phivolcs.