Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na ipatutupad ang siyam na oras na pagkawala ng kuryente sa Pasay City sa Nobyembre 27.

Nag-post ang Pasay Public Information Office (PIO) sa kanilang Facebook page na magkakaroon ng power service interruption mula 8:00 .a.m. hanggang 4:00 p.m.

Sinabi ng Meralco na magsasagawa ng line maintenance work sa kahabaan ng Virata St. sa Virata Village, Pasay City.

Ang apektadong lugar ay ang bahagi ng circuit Malibay 413 VJ sa Virata St., Virata Subdivision.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Ang mga residenteng maaapektuhan ng power service interruption ay pinayuhan na gumawa ng mga kinakailangang paghahanda.

Jean Fernando