Nagpaalam na sa Kapamilya viewers at avid fans ng "The Iron Heart" si Maja Salvador matapos "patayin" sa eksena ang kaniyang role na "Cassandra", ang matalik na kaibigan at unang pag-ibig ni Apollo, ang karakter naman ng bida ng action series na si Richard Gutierrez, sa Friday episode nito, Nobyembre 25.

Sa naturang eksena, isa sa mga nabaril ay si Cassandra subalit hindi naman ipinakita kung talaga bang patay na ito.

Bukod sa mga Kapamilya, nagpasalamat din si Maja sa "Star Creatives", ang production unit ng ABS-CBN na nag-produce ng show.

"Thank you Kapamilya! ❤💚💙," ani Maja.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"Thank you @StarCreativesTV sa pagtitiwala sa akin na gampanan ko si Cassandra! Hanggang sa muli! Paalam Cassandra!"

https://twitter.com/dprincessmaja/status/1596140738815070208

Bumaha naman ng mensahe mula sa kaniyang mga tagahanga na sana raw ay hindi ito ang huling beses na muling mapapanood ang aktres sa isang Kapamilya show.

Dahil hindi ipinakitang namatay ang karakter ni Maja kundi libing lamang, iniisip ng viewers na baka may twist ito sa dulo at buhay pa talaga ang karakter nito, kagaya ng nangyari sa "The Killer Bride" na huling serye ni Maja sa ABS-CBN.

Matatandaang sa media conference pa lamang nito ay nilinaw nang special participation lamang si Maja sa seryeng ito.

Sa ngayon, host si Maja sa "Eat Bulaga" at may sitcom siya sa TV5 na "Oh My Korona" kaya isa siya sa mga artistang napapanood sa tatlong TV network dahil freelance artist siya.

Sa katunayan, sila ng kaniyang fiance na si Rambo Nunez ang co-founders ng "Crown Artists Management" kung saan sila ang nagma-manage ng career ngayon nina Miles Ocampo, Jasmine Curtis Smith, John Lloyd Cruz, at iba pang baguhan.