Sususpindihin muna ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang operasyon ng kanilang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) para sa reintegration effort ng kanilang istasyon na dati nang isinara dahil sa pagpapatayo ng Common Station.

Sa panahon ng pagsasara nito, magsasagawa naman ang kumpanya ngreadiness tests, trial runs, at exercises upang masubukan ang katatagan ng Roosevelt area sa tulong ng brand-new Alstom signaling system.

“We advise our passengers to plan their trips ahead. We assure the public that the upcoming weekend closure with temporary inconvenience will result in long-term benefits for our commuters. In coordination with our private and government partners, it will be all hands on deck to ensure a safe and successful resumption of commercial operations for the full line," pahayag ni LRMC chief operating officer Rolando Paulino III.

Sakaling naging positibo ang isasagawang operational exercises, inaasahang mailunsadna ang commercial operations nito mulaLRT-1 Baclaran Station hanggangLRT-1 Roosevelt Station sa Disyembre 5.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Matatandaangisinara pansamantala angLRT-1 Roosevelt Station nitong Setyembre 5, 2020 upang bigyang-daan ang konstruksyon ng pamahalaan sa Common Station oUnified Grand Central Station (UGCS) na magdurugtongngLRT-1, MRT-3, at MRT-7 upang hindi na mahirapan ang mga mananakay.

“We advise commuters to stay tuned as we conduct these readiness tests along the LRT-1 and be updated on the status of Roosevelt reopening. We assure the public that once reopening is confirmed, LRMC is ready to serve our LRT-1 passengers adding Roosevelt Station to our existing operational stations,” ayon pa sa opisyal.