Naghatid ng good vibes sa mga netizen ang litratong ibinahagi ng online personality na si "Junjun Salarzon" matapos niyang i-flex ang mala-"Nadine Lustre" look niya.

"Hi this is me nadine," caption niya sa kaniyang Facebook post noong Nobyembre 24.

Natawa naman ang mga netizen dahil sa unang tingin daw, aakalaing si Viva artist Nadine Lustre nga ito.

"Seriously akala ko si Nadine Lustre talaga in the first glance."

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

"Pero honestly you look pretty madam."

"Puwede!!! Sana mapansin ni President Nadine!"

"Kween things!"

Subalit may ilan namang netizen na pinagkatuwaan ito at binigyan siya ng iba't ibang pangalan at bansag tulad ng "Nadine-munyo," "Nadine-lustred", "Nadine-gue (Nadengue)", "Nadine-goy", at iba pa.

Cool lang naman si Junjun dahil natuwa rin siya dahil may nakapansin daw sa kaniyang mala-Nadine Lustre na look.

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag si Nadine tungkol dito.