Handa na ang ilang transport terminal sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan.

Inaasahan na ng ParañaqueIntegrated Terminal Exchange na aabot hanggang 170,000 na pasahero kada araw.

"Nag-a-average kami ngayon ng 130,000 per day. So 'pag palapitna ang Pasko, inaasahan na 160,000 to 170,000 ang pasahero," paliwanag ni PITX spokesperson Jason Salvador sa isang television interview.

Inihayag naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) na magtatagal pa ang pagdagsa ng mga pasahero.

Eleksyon

Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

"This year and early next year iyung peak season baka ma-prolong kasi sa Chinese New Year would be by end of January. One of the measures is we have to balance the different terminals," pahayag naman ni MIAA Assistant Senior General Manager Bryan Co sa panayam sa telebisyon nitong Sabado.